top of page
Etsi

John Lapus says making ‘ECHORSIS’ was a team effort

  • Jeff Fernando
  • 29. maalisk. 2016
  • 1 min käytetty lukemiseen

IN CINEMAS ON APRIL 13, 2016

Gaya ng nakasanayan, mataas ang energy ng Universal Sweet na si John Lapus ng humarap sa entertainment media para sa bago niyang pelikulangEchorsis na binigyang direksyon ni Lemuel Lorca. Horror at comedy ang kumbinasyon ng pelikula kayat malaking challenge sa lahat ng nagsiganap sa project. Kuwento nga ni Sweet, hindi lang dapat sa kanya i-credit ang pagkakabuo ng project kundi sa kanilang lahat.

"Tulungan talaga ang project na ito. Walang malaki at maliit na role and para talaga sa aming lahat ito kung magugustuhan ng mga manonood."

Isang closeted gay ang role dito ni Sweet na kakaiba sa mga papel na nagampanan niya na noon.

"Gosh my character Kristoff and I have contrasting experiences with being gay. I was never a Paminta (closeted) never ako naging stiff and never ko itinago kung sino talaga ako."

Nai-share pa ni Sweet na di gaya ng kanyang character na si Kristoff, walang dramahan na naganap sa kanilang pamilya kapag napapag usapan ang kanyang sexuality.

"Walang naganap na confrontation kagaya ng naganap sa movie na mapapanood sa trailer pa lang. One day nakita na lang ng nanay ko na ahit na ang kilay ko tapos noong second year college ako pina-invite sa bahay ang mga kaibigan ko na mga taga Teatro Tomasino (theater guild of UST) eh puro mga bakla yun at mga babaeng bakla. Nakita ko naman na in entertain ng nanay ko."

Ipapalabas ang ECHORSIS sa April 13. © ABS - CBN Corporation.


 
 
 
Follow Us
  • facebook-square
  • Instagram - Black Circle
  • Google+ - Black Circle
  • LinkedIn - Black Circle
  • YouTube - Black Circle
  • RSS - Black Circle

                     All Rights Reserved. © 2016 MagicTree Multimedia Inc.

bottom of page